Simulan

 

Nakaraan sarap sariwain

Ang pinagmulan gunitain

Dalawang taong hindi akalain

Magkaiba ang hangarin

Naghanap ng kasabwat

Upang ikaw ay masikwat

Malakas ang loob sapagkat

Alam ko ikaw ang aking katapat

Kay daming pangyayari

Ni sa hinagap di mawari

Imbes na langbingan mangyari

Pagaaway ang naghari

Pero tayo’y nagmamahal

Di ba aking mahal?

Tayo’y parehas hangal

Walang aangal

Isang umaga sa almusal

Ang paganyaya ng kasal

Kay tamis parang asukal

Gusto mo nang masakal

Pangako ito’y aalagaan

Gawin lahat upang mapagaan

Pagibig natin pagkatiwalaan

Di sana ang bahay sanglaan

Isang katanungan

Kompleto na ang tahanan

Kung sabitin “antayin natin ang aking kabuwanan”

Tayo’y tig isahan

Leave a comment